Mga Obra Maestrang ubod ng ganda

Monday, March 19, 2007

BAYAGNI (paglalakbay nina Noli at Anna) - Ika-limang labas

Ahhhhhhh! Munting tinig ng mga bata.

Taong 1941, kasalukuyang nababalot sa takot ang siyudad ng Maynila. Pulu-pulutong na mga hapones ang lumusob at nagpahirap sa bawat Pilipino. Mga manyak na hapon na sabik na sabik sa laman ng mga kababaihan. Kilala si Marcova bilang number one na bading na geisha, at isang babae ang pinaka kilala sa pagbibigay aliw sa mga hapones, siya ay si…


Trisha MAE! Sigaw ng isang matandang bugaw “Nandito na si Heneral Taruk Beruk hinahanap ka maligo kana ayaw daw niya ang malansang bebot!” dagdag pa nito. Sa isang puting tela makikita ang nakakapanglambot na hubog ng katawan ng isang dalaga marahil siya na siguro ang Jennnelyn Mercado noong panahong iyon, makinis ang balat na kulay labanos at halimuyak ng gumamela ang pumaimbalot sa buong Casa del Puerta.

Sa labas nito nag-uusap sina Noli at Anna kung paano nila matatagpuan ang kanilang Lola. “Noli nandito na tayo iyan na sigro ang Casa na sinasabi ni Lola” wika ni Anna “Buti pa magtanong tayo dun sa lalake sa labas ng pinto” sagot ni Noli.

“Manong macho may kilala po ba kayong Lola Caridad diyan sa loob ng Casa?” tanong ng mga bata “Walang Lola Caridad sa loob at saka bawal kayo dito lumayas na kayo at inaaksaya ninyo lang ang oras ko echos!” sagot ng baklitang bouncer. “E bading pala to eh, baka naman ho puede kaming makapasok kahit saglit lang” hiling ni Anna

“Wag kayong atribida ha, sinisira nyo ang alindog ko Hmmp?” ani ni baklang bouncer “ Ah..eh..eto o bibigay ko sayo yung topless na litrato ng mga Masculados mga gwapo yan!” sabay abot ng litrato sa bakla

“He! Aanuhin ko yan wala yang mga yan sa Papa kong hapon di hamak mas malaki ang Ti…..ah eh ummmh Tite non noh?..Alis umalis na kayo!” sabay tulak sa mga kawawang bata.

“Hoy Jograd bitiwan mo nga yang mga bata mapagpatol ka tlaga!” sabit ng isang dalaga “Sori sister makulit kasi eh” sabi ni Jograd. “Mga bata halika kayo sa loob pasensiyahan nyo ng yang Bading na macho” sambit ng dalaga. “Jograd pala pangalan mo bakla!” wika ni Noli
“Sige po” tumuloy ang tatlo sa loob ng Casa.

“Maiwan ko muna kayo mga bata ha magtatrabaho lang si ate kumain lang kayo diyan wag masyadong malakas sa ladies drink ha Anna..” wika ng dalagang hindi nagpakilala.

“Bait naman ni ate hay..naisip ko tuloy si lola nasaan na kaya sia noh Anna?”
“Mahahanap din natin siya Noli, buti pa umorder kana Noli”
“Sige, Waiter! Waiter! Isa ngang platong Calamares at Pansit nga!

“Kain na Noli lumalamig na ang pansit…”
Miya-miya pa ay isang lalaking nasa mikropono ang tumayo sa harap ng entablado na tila may gusting ipahiwatig …

“Magandang gabi po mga kaibigan…at sa mga bisita nating hapon “Sakanami Pish ISNAKS!...nandito na po ang star of the night ang babaeng walang ligo at walang pahinga na pupukaw sa inyong mga kasu-kasuan eto na si….taran…taran chedeng! Si TRISHA MAE!”


“Ha! Trisha mae!” hiyaw ni Noli
“Tama Noli si Lola Caridad yung mabait na babae kanina! Naalala ko sabi ni Lola Trisha Mae nga ang ngalan niya sa panahong ito, kumbaga yun ang screen name niya…!

Lumabas ang marikit na dalaga sa likod ng telon, na tila nangaakit ng mga customer na hapon. Dahil walang kinikilalalng halaga ang pera noon, Isa isang naglabas ng batya-batyang prutas at tigiisang kaing na gulay ang mga hapon upang ialay sa pagsasayaw ng dalaga. Nang bigalang..

“Dumapa kayong lahat!” “Walang gagalaw!” isang malakas na sigaw ang narinig ng mga tao. Isang hukbong sundalong hapon ang dumating na tila may masamang balak.

“Lahat ng mga Babae sumama sa amin” wika ng isang interpreter na pinoy “Oheyo Oheyo” wika ng hapon na naka bagote. Sa takot ng mga tao sa loob ng Casa isa-isa itong nagsipulasan ngunit di sila nakaligtas sa kamay ng mababagsik na hapon. Kasama na si ANNA.

“Bitiwan ninyo ako! Noli tulungan mo ako!” sigaw ni Anna
“Anna!”
Tama ng puwit ng bayonete ang tumama sa mukha ni Noli na kinawalan nito ng malay.

“Anna…ililigtas kita…ililigtas kita arghhhhh…”

Itutuloy…

Wednesday, March 07, 2007

BAYAGNI (paglalakbay nina Noli at Anna) - Ika-apat na labas

Pumupungas pungas ang dalawang bata papunta sa kanilang lola upang isalaysay ang kanilang bigo na namang paglalakbay sa nakaraan. Hindi maiwasang tumulo ang luha ng kaawaawang si Noli habang pinipilit abutin ang kamay ng dalaga. Lubos na hindi maintindihan ng matanda ang tinatagong damdamin ng mga bata kaya nagpasya na itong uliratin ang mga ito.

“Mga apo what’s happening to both of you? Are you sick or something? kinda you know somethings that really matters? Whatever? So nonetheless…” wika ng burguiese na lola

“Lola hindi na po kami tutuloy sa aming paglalakbay dahil wala na kaming ginawang bagay na pinagtagumpayan” wika ni Noli
“Hindi na rin po naming kayang nakikita kayong malungkot sa twing uuwi kami rito” ani ni Anna.

Naliwanagan na rin sa wakas si Lola Caridad. Niyakap niya ang dalawang bata at naintindihan ang mga saloobin ng mga ito. “Sige mga apo kung yan ang pasya ninyo maari na kayong umuwi sa pamilya ninyo, maraming salamat sa tulong na ibinigay ninyo sa kin.” Wika ng matanda

“Sige po Lola paparini na po kami…paalam” Umalis ang dalawang bata dala-dala ang bigat sa dibdib. Ngunit ilang hakbang pa lamang ang kanilang ginagawa…

”Help! Help! somebody took away my new dress” isang panaghoy ang kanilang narinig “Si Lola yun..” wika ni Anna “Dali balik tayo sa kweba” dali-daling kumaripas ng pakandirit ang dalawa papuntang kweba.

Hoy bitiwan mo ang lola ko!” Hiyaw ni Noli
“Pakshet sitsitrit si chao ni ko pe pai cola” wika ng isa sa mga asianong tulisan
“Huh mga hapon ang mga yan Noli di ka maiintindihan ng mga yan” wika ni Anna.

Dahil sa kaalamang napulot ni Anna sa japayuki niyang ina nagawa nyang kausapin ang mga hapon
“Jojitsu Moyato? …” ani ni Anna.
“Ano yun” wika ni Noli “Ang sabi ko bakla si Jovit Moya” ani ni Anna
“Origano jen jen arayata! Kuala Lumpur Malaysia” wika ng isang hapon
“Dadalahin daw nila si Lola sa nakaraan dahil isa raw itong kilalang comfort woman noon pumapangalawa raw ito kay Markova sa dami ng naka siping nitong hapon.” Wika ni Anna kay Noli. Biglang naglaho ang mga Hapon kasama si Lola Caridad na ang tanging iniwan ang pasador ng matanda.

“Noli may nakasulat dito sa napkin ni Lola, sigurado naisulat nya pa ito habang hinohostage siya kanina ng mga tulisan” wika ni anna
“Galing talaga ni Lola kahit walang gamit na kamay nakasulat siya ng liham sa atin paano kaya niya iyon nagawa hmmp….????? …yakis lansa dinadalaw pa pala si Lola” wika ni Noli
“Wag tayong mag-aksaya ng panahon basahin na natin ang sulat”
“Sige”
Sabay binasa ng dalawa ang sulat upang malinawan sila kung ano ang gagawin
“Pumunta kayo sa nakaraan taong 1941 kasalukuyang nagaganap ang World War 2, hanapin nyo ako sa Casa del Puerta, kilala ako sa pangalang Trisha Mae… upang makapunta doon sabitin lang ang orasyon na ito..”

“Noli Bigakasin na natin” “Sige Anna”
“Sa kapangyarihan ng Haring Pebo, kami ang itim na magkapatid dalhin dalhin mo kami sa nakaraan. Angna Angna Sulakihi Sumaskidot Moko Moko acheche!”

Nawala ng parang bula ang mga bata…..Itutuloy…

Wednesday, January 03, 2007

PINK PENNISTAS

Saturday, December 30, 2006

BAYAGNI (paglalakbay nina Noli at Anna) - Ikatalong este Ikatatlong labas

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!” hiyaw ng dalawang bata. Bumalagta sa kanila ang isang babaeng gigil na gigil sa kanyang ginagawa sa trono ni Abraham. “Mga bastos na bata ire, isara ninyo ang pinto hayaan ninyo muna akong magconcentate sa pag-ebak ko bwiset!” galit na galit na pagsagot ng babae.

Pagkaraan ng dalawampung minuto lumabas ang matanda sa kasilyo, doon nagpakilala ang mga bata at kung ano ang kanilang pakay. “Ah ganoon ba mga bata, kaibigang kong matalik si Caridad halos sabay na kaming lumaki at tumanda niyan”. “Ah..eh Lola Sora mayroon sana akong gustong itanong sa inyo” kinakabahng pagtatanong ni Noli. “ Ano yon iho? “Nagsusuot ho ba kayo ng kansulsilyo?” “Nilintikan kang bata ka pati ba naman ako ay di mo na pinatawud este pinatawad” sagot ni Lola Sora. Nagpaliwanag si Noli sa kanyang intension sa kansulsilyo ni Sora at sinabi kung gaano ito kahalaga sa kanilang misyon. “Ganoon ba sige samahan ninyo ako sa likod bahay namin”

Dali-daling pumunta ang tatlo sa likod bahay ngunit bigla na lamang...Ratatat-tatat, Ratatat-tatat…Boom boom boom…Itaktak mo! Matitinding palitan ng putok ang kanilang narinig bago pa sila makarating sa likod bahay. “Pakshet ano kaya yun” Sigaw ng matanda. “Wag muna tayong lumapit roon at baka di pa tapos ang sagupaan,” nangangatog na wika ni Anna. Lumipas ang ilang sandali at mahihinang ungol ang kanilang narinig. “Uhhm ahhhh tulong…tulungan ninyo kami..” “Ang boses na yun, mga kasamahan namin yon sa himagsikan” ani ni Lola. Mga sugatang kalalakihan na nakabulagta sa likod bahay ang bumungad sa kanila at dali-dali nilang nilapitan upang lapatan ng kaukulang lunas ang mga iyon.

“Anna kumuha ka ng mga sariwang dahon ng bayabas, mga talbos ng puno ng mekikekwek sa kabilang baryo, at tatloong bariles ng malinis na tubig sa bundok, lakad bilisan mo” utos ni Lola Sora. “Sige Lola yayao na po ako” sagot ni Anna. “At ikaw Noli bilang isang lalaki dito ka lang at tulungan mo ako sa panggagamot” wika ng matanda. “Masusunod Lola hehehe ok” sagot ni Noli.

“Di naman po ata patas ang mga utos ninyo Lola sa amin, di ba dapat ako na lamang po ang maiiwan dito, dahil babae ako at si Noli dapat ang maghanap ng mga gamit dahil siya ang lalaki” katwiran ni Anna. “Ah basta neneng bilisan mo na at wag ng magreklamo” sagot ni Lola “Oo nga Anna lumakad kana at baka wala na tayong maabutang buhay sa mga ito” gatong pa Noli. Dahil sa inis nagpasyang umalis si Anna at sundin na lamang ang inutos nito.

“Lola ano po ang gagawin ko kahit ano pong iutos ninyo susundin ko” wika ni Noli. “Sige Noli tangalin mo na ang mga bala na bumaon sa katawan ng mga yan, pero bago mo simulan ay magmumog ka muna ng asin” ani ni Lola “Asin?…mumog? bakit ho?” tanong ni Noli “Dahil yang bibig mo ang gagamitin mo sa pagtangal ng bala ok, dahil iyan ang pinaka-mabisang paraan ng paggamot siguradong walang impeksyon” paliwanag ni Lola. “Ha! yakis po” “Simulan mo na, unahin mo si Ka Pedring, doon kasi siya tinamaan sa ari niya, at si Ka Boneng na tinamaan sa kuyukot nya o sa pagitan ng wetpaks niya” ani ni Lola Sora. Wala ng nagawa si Noli kung hindi sundin ang inutos ng matanda.

Matapos ang walong nakakapagod na oras ay nabigyan na ng lunas ay mga kalalakihan. Nagpasyang hingiin na nina Noli at Anna ang pakay ng mga ito. “Lola puede na po bang makuha ang kansulsilyo ninyo?” tanong ni Anna “ Ay oo nga pala sige halina muli sa likod bahay”. Nagtatalong nagpunta ang tatlo sa likod bahay ngunit sa di inaasahan. “Bolshet bakit ganyan!” sigaw ni Noli “Nagkabutas butas ang kansulsilyo mo Lola at halos tirante na lamang ang natira” ani ni Anna. Dahil sa matinding putukan di naiiwasang tamaan ng ligaw na bala ang kaawa-awang kansulsilyo sa sampayan. Humingi ng pasensiya si Lola sa mga bata at nagpaalam.

“Wag ka nag umiyak Noli halika na at umuwi na tayo” wika ni Anna “Matapos ko sipsipin lahat ng bala Oh hindeeeeeeeeeeeeeeeeeee! Tinagay na muli ang dalawa ng higanteng bula pauwi sa kanila. Itutuloy..…

Friday, December 22, 2006

PINK PENNYS LOGO

BAYAGNI (paglalakbay nina Noli at Anna) - Ikalawang yugto

Ikalawang Yugto Kansulsilyo ni Melchora

Nagpasyang bumalik sa kasalukuyan sina Noli at Anna nadala-dala ang masamang balita sa matanda. Sakay muli ng isang malaking bula na gumamela at lumapag sa kalupaan ng kweba.

“Lola patawarin nyo po kami, hindi namin pinagtagumpayang kuhanin ang betlog ni Dagohoy” wika ni Anna “Wala na pong itlog si Dagohoy dahil sa natamong impeksyon nito sa labanan” Dagdag pa ni Noli. “Wala dapat kayong ihingi sa akin ng tuwad este tawad dahil ang nais ko lamang ay malaman kung seryoso kayo sa inyong misyon. Dahil sa pinakita ninyong katapangan at katapatan ay napatunayang kong kaisa kayo sa aking mga pinaglalaban” wika ni Lola Caridad.

Unti unting lumakas ang matanda na waring walang inindang kasakitan sa katawan. Ngayon ay ang simula ng kakaibang pakikipagsapalaran ng tatlo, ang matanda ay mistulang magiging driver ng malayong paglalakbay na darating. Bakas ang ngiti sa mga labi ng mga bata habang nakikinig ng bagong misyon nito.

Naglakad papalayo sa naglalakihang bato ang matanda. “Mga apo kitang kita ninyo ang aking kaluluwa” ani ng matanda. Napatingin ang mga musmos sa matanda at waring nakakita ng lawlaw at naaagnas ng balat dahil sa katandaan. Di mapigilang maduwal ang dalawang bata sa malaswang pangitain. “Oo mga bata kahit ako mismo ay hindi makatingin sa aking hubo’t hubad na katawan” wika ni Lola Caridad. “Kaya nais kong makuha ninyo ang susunod na yaman ng kasaysayan” dagdag pa nito. “Ano yun Lola!” sabay na pagbigkas ng dalawang bata.

“Ito ang baro’t saya at kansulsilyo ng isang bayaning Pilipina. Siya ang nagsilbing caregiver ng mga sugatang katipunerong Pilipino na tanging sandata ay ang boteng Agua Oxinada at Betadine.” “Kilala ninyo ba siya mga bata?” tanong ni Lola. “Siya po ba si Tina Paner” sagot ni Noli. “Hindi Noli matanda na siya letter M ang simula ng name niya” ani ni Lola. “Ah letter M na matanda kilala ko na po, siya si Marcova” wika ni Noli. “Mali pa din babae siya at hindi badap Noli” wika muli ni Lola. Matagal naghulaan ang dalawa at ito ang mga sagot nila.


Mga Hula ni Noli-----------------Mga hints ni Lola

Mystika-----------------------------Mali mukha lang siyang matanda.

Matutina--------------------------- Mas matanda pa

Madam Auring--------------------- Mas antigo pa kay Auring

Mahal------------------------------Tao siya at di engkanto


“Hay Noli suko na ko napakabobo mong tao kaya no wonder seventeen ka na pero grade one ka pa din siya si Melchora o mas kilala bilang si Tandang Sora.” “Nasa dulo na po yun ng dila ko pero hanggang dila na lang siguro at hindi na tumuloy sa aking kokote” ani ni Noli. Naghawak muli ng kamay ang mga musmos sabay paalam sa kanilang Lola. Tinagay ng bula ang dalawa sa kawalan na tanging maririnig ay kanilang sigaw na “wooooooooooooooooow!” at “Ang Lamiggggggg!” at kasabay ang SFX na “Tinininin ininining”.


Taong 1894 madaling araw sa isang barong barong lumapag ang mga bata. “Noli Noli nasaan na kaya ang hinahanap natin?” tanong ni Anna. “Ewan ko Anna pero makikita rin natin siya, Halika malakad tao dun sa may maliit na kubo sa labas” sagot ni Noli. Unti unting hinakbang ng dalawa ang kanilang mga paa patungo sa maliit na kubo. Nakarinig ng unggol si Noli at Anna na tila may dinadamdam na kasakitan ang pinanggagalingan nito. “Anna ano kaya yun buksan antin ang pinto” “Sige Noli bibilang ako ng lima bago natin bukasan ang pinto” ani ni Anna “Anna hanggang tatlo na lang ha kasi di ko pa alam bumilang hanggang lima” wika ni Noli. “Sige simulan na natin”. “Isa….Dalawa…Apat….Tatlo…Open sesame! Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!”

Ano kaya ang bumulagta sa dalawang bata? Nakita na kaya nila ang kanilang hinahanap? Subaybayan natin sa susunod na yugto Itutuloy….

Wednesday, December 20, 2006

BAYAGNI (paglalakbay nina Noli at Anna) - Ikaunang yugto

Ikaunang yugto BETLOG NI DAGOHOY

Setyembre singko taong 1992: Madaling araw, isang bumubulusok na bulalakaw ang bumagsak sa bayan ng Pinagtipunan. Kitang kita ito ng dalawang magkaibigan sina Noli at Anna parehong labing pitong taong gulang na nasa ikaunang baitang sa Hirayamanawari Elementary School. Dito iikot ang kagilagilalas na pakikipagsapalaran ng dalawang musmos.

Agad agad nilang pinuntahan ang pinag-landingan ng bulalakaw at bumungad ang isang hubo’t hubad na matandang babae na ikinasuka ng mga musmos. Siya si Lola Caridad, pinuno ng mga Karug isang tribu sa bundok ng Bolex, na ang tanging misyon ay makumpleto ang mga natitirang kayamanan ng kasaysayan.

“Noli…Anna…Kailangan ko ang inyong tulong, kailangang maibalik ang mga yaman ng kasaysayan sa aming tribo upang makalaya ang aming kababaihan sa pagiging sex slaves ng aming mga kalabang Nigers…Tulungan nyo kami parang awa nyo na…“ wika ng matanda

Opo Lola handa kami tutal wala din kaming ginagawa sa eskwela kung hindi magtanim ng kamote. Ikaw Anna sasama ka ba? Tanong ni Noli. “Basta kasama kita sasama din ako Lets go!” sagot ni Anna

Ikinuwento ni Lola Caridad ang unang misyon ang pagkuha sa Betlog ni Dagohoy. Si Dagohoy ay isang mangangahoy sa sagingan ni Mang Pileng noong taong 1852 kung saan ang Pilipinas ay nasa ilalim ng kolonyalismong Kastila. Si Dagohoy ang nagsilbing pinuno ng mga mahihirap na Indio upang gapiin at makawala sa paghihirap mula sa mga salbaheng Kastila.

“Kunin nyo ang Betlog ni Dagohoy ito ang sangkap sa pagawa ng isang masustansyang milkshake sa agahan upang manumbalik ang aking lakas mga bata at upang mkalaya na ang aming kababaihan” sabi ni Lola Caridad. “Ngunit paano po kami makakabalik sa panahong iyon” tanong ng mga musmos. “Sasakay kayo sa isang higanteng lobo na gawa sa bula ng bulaklak ng gumamela at kayo ay ihahatid sa taong iyong”. Nagpasyang umalis na ang dalawa daladala ang kaba sa dibdib at sa saliw ng sound effects na “tininininining……tininininininining……ahhhhhhhhhhhhhh…..

Sa pagpapatuloy ng Kagilagilalas na paglalakbay ni Noli at Anna...

"Anna wag kang tatalon" wika ni Noli "Masyadong malalim ang kweba ni Dagohoy" dadag pa nito. nakita ni Noli ang lungkot sa mga mata ni anna na nagsasabing "Hindi Noli kailangan nating gawin ito" sabay punas ng uhog nito sa bibig ni Noli..."Hinihintay ni Lola na makuha natin ang Betlog ni Dagohoy ito na lng ang nalalabing pagasa para makalaya and mga kababaihan sa bunganga nag bulkan" wika ni Anna. Huminga ng malalim si Noli sabay hawak sa kamay ng dalaga" Pumikit ka Anna Mahal ko tatalon tayo bahala na kung makakaligtas tayo sa Kweba nito Dagohoy" Nabalot ng kadiliman ang buong lugar tanging boses ni Noli at Anna ang maririnig "AHHHHHHHHHHHhHHHHH Anna humawak ka" ...."OO noli hawak ko ang tite este kamay mo...AHHHHH" KABLAGG! na ilalim na sila ng kweba ni Dagohoy ngunit biglang napahinto si anna at winikang " Noli...naalala ko...kinapon pala si dagohoy nuong nakaraang lingo dahil sa natamong impeksyon nito sa bayag" itutuloy....

Monday, September 11, 2006

HARD(working) PENNYS




MESSAGE FROM THE PRESIDENT: JUSTO JUSTO

Mabuhay ka FERNANDO!

PINK PENNYS is multi-national production company that deals with various events worldwide such as PBL short for patay, binyag and libing. Without futher a do here are some photos that may serve as an inspiration to those people who would like to enter this kind of business. Dedication and persevarance are the keys to success that is not only recognize here but also globally.


THE PIONEERS









oh yes, girls thats right they loved to work hard, good looking young men even forget how to chill out and relax...here are more hard working photos...










oh yes we can make it we can alababa shake it!
we can shake it to the left, we can shake it to the right
point to the east and pointo the west....!


here 's more...














for the last pic "pasintabi lamang po sa lahat ng kumakain itoy isang babala nakakadiring imahe ang nasagap ng aming kamera sa isang disco haus...ito'y di sinasadya ng may akda"







isang aegis looking asian girl po ang inyong nakikita na kasama ng isang amerikano na itatago natin sa pangalang JOE, nakakapanglambot po talaga ang pagiling ng aegis looking asian girl na ito kayo na po ang bahalang mag kumento at ipadala lamang sa aming website, para sa kaukulang aksyon...